Sapagkat galit na galit 'yung ama sa kabaklaan ng kaniyang kaisaisang anak na lalaki, nagbakasakali yung ama na kapag kaniyang pinarusahan ang kaniyang anak, ay malunasan at mawala ang kabaklaan ng kaniyang anak.
Ama: Magtapatan na nga tayo! Ano ka ba talaga... lalaki o babae?
Anak: Babwae po...
Ama: Hindi! Ikaw ay lalaki! Tandaan mo ito: Ikaw ay lalaki! Ngayon, ano ka ba talaga... lalaki o babae?
Anak: Nakwu, Tatay... talagwang talagwa... Babwae po...
Ama: Ako'y talagang galit na galit na! Kapag hindi ka pa sumagot ng tama, e, parurusahan na kita! Ngayon, ano ka ba talaga... lalaki o babae?
Anak: Kwahit na parusahwan niyo pwo ako, talaga pwong babwae po ako...
Sa lubos na galit ng ama, dinala niya ang kaniyang anak sa kanilang balon. Tinali ng mahigpit ang mga kamay at paa para hindi makagalaw at ihinulog ang kaniyang nakataling anak sa loob ng kanilang balon. Nagkikisay na lumubog sa tubig ang anak. Pagkaraan ng ilang sandali, halos hindi na kumikilos ang nakalubog na anak, inahon ng ama ang kaniyang anak na basang basa at abot-abot ang paghahabol ng kaniyang paghinga.
Ama: Ngayon, siguro naman natuto ka na! Ngayon, ano ka ba talaga... lalaki o babae?
Anak: Ngwayon pwo, alam kwo na kwung anwo talagwa akwo, Tatay! Akwo pwo ay isang... SIRENA...
Napansin nung Tiyo na yung kaniyang pamangkin na bagong salta sa America ay umiiyak sa tabi ng kaniyang nakatumbang bisikleta sa tabing daan. Tanong tuloy nung Tiyo, "Hijo, bakit ka umiiyak?"
Sagot nung pamangkin, "Angkol, Angkol..." Madaling kinorek nung Tiyo yung kaniyang pamangkin, "Hijo, ikaw ay nasa America na. Hindi Angkol... Angkel!"
Tinuloy nung pamangkin yung kaniyang kwento, "Angkel, Angkel, I rode my Bysikol..." Madali muling kinorek nung Tiyo yung kaniyang pamangkin, "Hijo, nasa America ka na. hindi Bysikol ang tawag diyan... Bysikel".
Muling tinuloy nung pamangkin yung kaniyang kwento, "Angkel, Angkel, I rode my Bysikel to buy some Papsikol..." Madali na namang kinorek nung Tiyo, "Hijo, hindi Papsikol - Papsikel!"
Tinuloy ulit nung pamangkin yung kaniyang kwento, "Angkel, Angkel, I rode my Bysikel, to buy some Papsikel... en den I pel... now I heb a Bukel..."
Jay Leno: Mr. Tiburcio Kulantro Advingcula, you came to the States more than 62 years ago when you were just 18 years old with, almost literally, just the shirt on your back. Since then, you've built a business empire and amassed a fortune worth 22 billion dollars, married 4 of the most beautiful actresses in Hollywood, made friends with almost all of the world's leaders, won so many international achievement and humanitarian awards for your charitable deeds, is there anything else in the world you want or need at this time?
Pinoy Old Timer: Begyurpardon?
Jay Leno: With all that you now have, is there still anything else in the world you want or need at this time?
Pinoy Old Timer: Yes.
Jay Leno: And what would that be, sir?
Pinoy Old Timer: GOOD BOWEL MOVEMENT
Nakipagkita ang Diyos sa tatlong world leaders; kay Clinton, kay Yeltsin at kay ERAP.
Wika ng Diyos sa kanila, kayong tatlo ay pwedeng maglahad sa akin ng isang katanungan at tiyak na aking sasagutin.
First came Clinton: "God, when will the special prosecutor, Kenneth Star, finish his investigation so that I can eventually clear my name." And God immediately replied: "By the Year 2015."
And Clinton broke down and cried. Nagulat ang Diyos and asked: "Why do you cry, my son?"
To which Clinton replied: "Because I will no longer be around when that happens which means I will go down in history as the US President who had a sex scandal ridden administration!" And Clinton faded away.
Second came Yeltzin: "God, when will the Russian economy finally take off?" To which God replied: "By the Year 2020."
And Yeltzin broke down and cried. Nagulat ulit ang Diyos and asked: "Why do you cry, my son?"
To which Yeltzin replied: "Because I will no longer be around when that happens - so I will never see Russia's economy prosper and stabilize." And Yeltzin faded away.
Finally came ERAP: "Diyos ko, ito lang naman ang tanong ko... When do you think will I ever be accepted by the Filipino intellectuals and society's elite and be considered by them as a competent leader?"
At which point, God broke down and cried... Biglang nagulat tuloy si ERAP! Nagtatakang nagtanong si ERAP: "Diyos ko, bakit naman ikaw ang umiiyak?" To which God answered: "Kasi, when that happens, I will no longer be around..."
Nagbabakasyon sa isang "cruise ship" yung isang pamilyang banyaga. Sa kalikutan nung isang kasama nilang bata ay nahulog siya sa tubig. Balisang-balisa ang ina at walang ibang magawa kundi sumigaw ng paulit-ulit - "Please help my child! He fell overboard! Someone... Anyone... Please help my child!". Lumipas ang ilang sandali - wala pa ring kahit na sinong nagtangkang sumagip sa bata.
Bigla na lang, buhat sa isang mataas na purok nung "cruise ship", isang Filipino crewman ang nakitang naka "swan dive" papunta sa malalim na tubig. Sa taas ng kaniyang pinanggalingan, mahigit na ilang sandali ang lumipas bago lumusong sa tubig yung "Filipino crewman". Ilang sandali muli ang lumipas bago nakita ng lahat na pumangibabaw sa tubig ang ulo ng "Filipino crewman". Palakpakan ang lahat na nakatingin. Lumangoy ang "Filipino crewman" at pinuntahan at sinagip ang nagpupumiglas na bata. Maatikabong palakpakan mula sa lahat ng nanunuod.
Sa madaling sabi, naibalik ang nasagip na bata at ang ating magiting na "Filipino crewman" sa "cruise ship" at madaling naharap sa isang reporter ng 6:00 news sa isang "live interview".
Ipinahayag nung reporter: "You are a true hero - having saved the life of another human being. Is there anything you wish to say to the thousands currently viewing the news?"
Sagot nung "Filipino crewman": "Putragis na mga yun! Papatayin ko silang lahat pag nalaman ko kung sino yung mga tumulak sa akin!"
Nagkukwento yung isang kaibigan kong "machong macho"...
Noong inutusan ako ng Misis ko na maglaba na raw ako, sinigawan ko siya "Hindi ako maglalaba!".
Pagkatapos ng ilang minuto ay inutusan ulit ako'ng maglaba. Galit akong sinigawan ko ulit siya "Sabi na sa 'yong hindi ako maglalaba! Ang ulit ulit mo naman!"
Tinanong tuloy noong Misis... "E bakit ba ayaw mo'ng maglaba?"
Sagot noong macho kong kaibigan: "Eh, hindi pa ako tapos ng aking pagpaplantsa!"
A judicial clerk in a small and far-flung provincial court had to translate, from Tagalog to English, the following passage uttered by a witness:
"Pagkatapos ng kung ano-ano ay nagdatingan ang kung sino-sino!"
Confidently and simply, the clerk wrote:
"After the what-what came the who-who!"
Tuwang-tuwa at parating pinagmamalaki nung Monsignor yung kaniyang alagang loro.
Wika nung Monsignor, "Itong aking loro ay hindi lang napakagaling magsalita kundi napakabanal pa! Kapag aking hinigit yung kadena sa kaniyang kaliwang paa, siya'y magsasalita ng buong dasal ng Ama Namin. Kapag akin namang hinigit yung kadena sa kaniyang kanang paa, siya'y magsasalita ng buong dasal ng Aba Ginoong Maria."
Tanong nung isang aleng nakikinig, "Monsignor, kung sabay mong hatakin yung kadena sa kaniyang magkabilang paa, ano ang kaniyang isasalita?"
Sagot nung Monsignor, "Sapagkat hindi ko pa naisipang gawin yang itinatanong mo, purbahan natin ngayon!" at sabay na hinatak nung Monsignor ang kadena sa magkabilang paa nung loro.
Biglang nagsalita yung loro... "Tangna naman, Padre, mahuhulog ako diyan sa ginagawa mong 'yan, eh!"
Napaligiran ng 2 fighter-bomber, 5 tanke, 9 na kanyon at 35 machine guns at 200 mga sundalong naka-Armalite ang isang bahay kubo sa liblib ng isang baryo sa probinsiya. Sa loudspeaker, isinigaw ng Koronel ng mga sundalo, "Kumander Bertulfo, sumuko ka na! Hindi ka makakawala!"
Buhat sa loob ng bahay kubo, isang matapang na sagot, "Hindi ako susuko!"
Inulit ng Koronel, "Sumuko ka na, Kumander Bertulfo, at kung hindi, ay bobombahin at kakanyunin at mamasinganin at babarilin ka namin."
Buhat sa loob ng bahay kubo, isang lalong matapang na sagot, "Hindi ako susuko!"
Muling inulit ng Koronel, "Huling pagkakataon mong sumuko, Kumander Bertulfo, kundi ay bobombahin at kakanyunin at mamasinganin at babarilin ka namin."
Muli, buhat sa loob ng bahay kubo, isang pinakamatapang na sagot, "Hindi ako susuko!"
Sigaw nung Koronel sa kaniyang mga sundalo, "PIRE!"
Nagsimulang mag-strafe yung dalawang fighter-bombers, nagpapaputok ang 5 tanke at 9 na kanyon, sabay-sabay nagputukan ang 35 machine guns at ang mga Armalite ng 200 sundalo hanggang naubos ang kanilang mga bomba at bala.
Nang mahawi ang napakakapal na usok, nakita ng lahat na halos walang natira sa bahay-kubo. Nang lapitan ng Koronel ang naghihingalong sugatin sa gutay-gutay na bahay kubo, kaniyang itinanong, "Alam mo namang wala kang kalaban-laban at napakarami naming armas. Bakit ayaw mong sumuko?"
Patawa-tawang sumagot ang naghihingalong sugatin, "Hindi naman ako si Bertulfo, eh..."
Ine-examin nung Doktor yung isang pasyente sa Mental Hospital sa pamamagitan ng tanong at sagot. Tanong nung Doktor, "Kung ikaw ay palabasin ngayon sa ospital, ano ang iyong unang gagawin?" Sagot nung pasyente, "Titiradorin ko po ang buwan!" Wika nung Doktor, "Ikaw ay hindi pa pwedeng palabasin. E-examinin ulit kita sa paglipas ng anim na buwan."
Pagkaraan ng anim na buwan, muling inexamin nung Doktor yung pasyente. Tanong nung Doktor, "Kung ikaw ay palabasin ngayon sa ospital, ano ang iyong gagawin?" Sagot ng pasyente. "Doktor, ako'y magaling na. Pagkalabas ko po sa ospital, ako po ay hahanap ng trabaho upang mamuhay ng mag-isa." Muling nagtanong ang Doktor, "Pagnakahanap ka ng trabaho, ano ang iyong gagawin?" Sagot ng pasyente, "Doktor, ako po ay manliligaw ng isang mabait, masipag at magandang babaeng pwede kong makakapiling na pang habang buhay."
Gulat ang Doktor! Mukhang matino na ang kaniyang pasyente! Muli pang nagtanong ang Doktor, "Pagkatapos niyong makasal, ano ang iyong gagawin?" Sagot ng pasyente, "Aba, Doktor, kami po ay mag-hahanimun!" Bilib na naman ang Doktor.
Tanong ulit ng Doktor, "Ano ang iyong gagawin sa inyong hanimun?"
Sagot ng pasyente, "Doktor, huhubarin ko po ang blusa at palda ng aking bagong asawa."
"Pagkatapos..." tanong ng Doktor.
"Pagkatapos..." sabi ng pasyente, "huhubarin ko ang kaniyang bra at panty".
"Pagkatapos..." tanong ng Doktor.
"Pagkatapos..." sabi ng pasyente, "kukunin ko lahat ng lastiko sa bra at panty at titiradorin ko ang buwan!"
May dalawang bingi na nagkita sa kalsada.
Napansin nung unang bingi na yung ikalawang bingi ay may dalang bayong.
Bati nung unang bingi - "Mamalengke ka?"
Sagot nung ikalawang bingi - "Hindi, mamalengke ako..."
Sabi nung unang bingi - "Ah... akala ko, mamalengke ka..."
Gentleman: Gusto mo ng mani na pulutan?
Lady: No thank you, tinatagihawat ako sa mani, e.
Gentleman: Ganoon ba? Buti na lang ako sa mukha lang!
Sa bilibid prison, sampung taon nang hindi naliligo at nagpapalit ng damit yung mga prisonero. Sa madaling sabi, sobra nang baho at nagtututong at nagtitigkal ang libag, banil at kalimagmag sa kanilang mga suot na damit.
Isang araw, biglang hinarap nung prison warden ang mga prisonero at kaniyang i-nanannounce, "maryoon akong good news at bad news para sa inyo."
"Ang good news - pagakatapos ng sampung taong walang paligo at walang palitan ng damit, ngayong araw, magkakaroon kayong lahat ng palit ng damit."
Palakpakan at naluha pa yung ibang prisonero sa galak.
"Ang bad news, ikaw ay makikipagpalit ng suot sa kanya, ikaw naman - makipagpalit sa kaniya..."
Bagong salta sa America, yung Pinoy ay gustong mag-long distance sa Pilipinas kaya dinayal yung "0 for Operator".
Operator: AT&T. How may I help you?
Pinoy: Heyloow. Ay wud like to long distans da Pilipins, plis.
Operator: Name of the party you're calling?
Pinoy: Aybegyurpardon? Can you repit agen plis?
Operator: What is the name of the person you are calling?
Pinoy: Ah, yes, tenkyu and sori. Da name of my calling is Elpidio Abanquel. Sori and tenkyu.
Operator: Please spell out the name of the person you're calling phonetically.
Pinoy: Yes, tenkyu. What is foneticali?
Operator: Please spell out the letters comprising the name a letter at a time and citing a word for each letter.
Pinoy: Ah, yes, tenkyu. Da name of Elpidio Abanquel is Elpidio Abanquel. I will spell his name foneticali. Elpidio: E as in Elpidio, L as in lpidio, p as in pidio, i as in idio, d as in dio, i as in io and o as in o.
Operator: Sir, can you please use English words.
Pinoy: Ah, yes, tenkyu. Abanquel: A as in Airport, B as in Because, A as in Airport agen, N as in... Enemy, Q as in... Cuba, U as in... Europe, E as in... Important and L as in... Elephant.
Nag-o-order ng breakfast yung bagong saltang Pinoy sa isang coffee shop sa Manhattan...
Waiter: "What kind of coffee would you like, regular or decaf?"
Pinoy: "No... Big cup! Big cup!"
Waiter: "What would you like for your breakfast?"
Pinoy: "Hameneggs."
Waiter: "And how do you like your eggs, sir?"
Pinoy: "Yes, tenkyu, I like dem beri much."
Waiter: "No sir, I mean how would you like them cooked?"
Pinoy: "Yes, tenkyu, I wud like dem cooked."
Waiter (with increasing impatience): "Would you like your eggs... fried? poached? hard boiled or soft boiled?"
Pinoy (with increasing uneasiness): "Yes, one fried en one hard boiled or sop boiled."
Waiter: "And what bread would you like?"
Pinoy: "Begyurpardon?"
Waiter: "What kind of bread would you like... white? rye? whole wheat? toast?"
Pinoy: "Pan Amercano..."
Waiter: "We don't have that..."
Pinoy: "Okey. Gib me Taystee..."
Waiter: "We don't have that either, sir..."
Pinoy: "Do you heb pan de lemon or bonete?"
Waiter: "Sir, you are wasting my time... I shall ask for the last time, what would you like for breakfast?"
Pinoy: "Donut plis..."
Kinabukasan, bumalik yung Pinoy sa restaurant at umupo sa isang table na kalapit ang isa ring customer na Pinoy rin, kaya lang, e, oldtimer na.
Pinoy: (thinking to himself) Alam ko na! Gagayahin ko na lang ang order niya.
Dumating na yung kani-kanilang waiter...
Waiter: Sir, what would you like to order?
Customer: Ham and Eggs, please!"
Pinoy: (speaking to his own waiter) Ham en eeggs, plis!
Waiter: How would you like your eggs, sir?
Customer: Over-easy.
Pinoy: Uber-eesee!
(Napatingin sapagkat nakahalata na yung customer na oldtimer)
Waiter: Anything else, sir?
Customer: Some pancakes, too.
Pinoy: Sam pangkiks, tu!
(Napatingin ulit yung customer)
Waiter: Anything to drink?
Customer: A large orange juice.
Pinoy: E lards urinds dsus!
(napipikon na yung customer)
Waiter: Is there anything else I can bring you?
Customer: Can you get me a hot towel?
Pinoy: Witir! Hat tawil!
Customer: (really peeved) Ano ka ba! niloloko mo ba ako? Bakit mo ginagaya ang lahat ng order ko?
Pinoy: Bakit? Ikaw lang ba ang kumakain ng hot towel?
Matagal nang naghahanap ng trabaho yung bagong saltang Pinoy. Nakakita siya ng posibilidad sa "Help Wanted" section ng Classified Ads. "Wanted - Painter of Porch". Aba!, sabi nung Pinoy sa sarili... OK ito! Sa Pilipinas, e marami na akong pininta; yung libingan ng lolo ko, yung pader ng lumang bahay namin, yung kulungan ng mga baboy ng tiyo ko - pwede palagay ko ako rito!
In-explain nung Kano na nangangailangan ng pintor: "I need to have my porch painted, all in one day. The work involves scraping all the paint up to the bare surface, applying a coat of primer and two final coats of orange paint. Can you do this?"
Sagot nung Pinoy nung ininterbyu siya ng Kano... "Sir, yes sir. I can kaskas... I mean, remoob paint en apply paint beri well."
"Okay!", sabi nung Kano. "You've got the job! Everything you'll need has been unloaded from the trunk of the car."
Tatlong oras pa lang, narining na nung Kano na kumakatok yung Pinoy sa pinto niya. "Sir... Pinis oreydi".
"Wow!" sabi nung Kano. "You finished the job in three hours. Are you sure you scraped the old paint to the bare surface?"
"Sir, yes sir. I tanggalated all the old paint." sagot nung Pinoy.
"Then, you deserve a bonus! Here's another 20 bucks." sabi nung Kano.
"Sir, tenkyu sir." wika nung Pinoy. "Pero sir, you don't heb a porch... your car is a BMW..."
Bagong salta sa Manhattan sa New York si Armando galing sa isang maliit na barrio sa Pilipinas. Manghang mangha si Armando sa laki at ganda at sa dami ng modernong mga kagamitan sa Amerika.
Isang araw, naisipan ni Armando na magpadala ng pera sa kaniyang kapatid sa probinsiya kaya't nagpunta siya sa PNB sa Manhattan. "Wow!" 'ika ni Armando ng makita niya yung "lobby" ng "building" kung nasaan ang PNB. "Napakaganda at modernong moderno ang 'building' na ito," sabi ni Armando sa sarili niya. Nakipila si Armando sa mga sasakay sa "elevator" at nung bumukas ang pinto, sumama si Armando sa mga nagsipasok. Hinahanap ni Armando sa mga "buttons" sa "elevator" upang pindutin ang 8th Floor na papunta sa PNB. Nung makita niya yung "button" na nakalagdang "8", hindi niya napansin na isa sa mga sumakay na kasama niya ang nakapindot na ng button na "8". Biglang umilaw ang button na "8" habang tinitingnan niya. "Wow!, " sa loob loobin ni Armando, "talaga namang napakagaling dito sa Amerika. Iniisip mo pa lang na pindutin yung button, e, umilaw na agad! Tapos, nagsasalita pa yung elevator kung nasaang floor siya!. Iba talaga dito sa Amerika!"
Nakapagpadala na ng kaniyang remittance si Armando at nakasakay na siya sa isang MetroBus na pauwi sa kanila. Napansin ni Armando na may lumalabas na usok sa napakaraming mga "manholes" at mga "drainage holes" sa mga kalsada ng Manhattan. Wika ni Armando sa sarili niya, "Napakagaling talaga dito sa Amerika. Akalain mo, pati sa ilalim ng kalsada ay nakakapagsiga sila!"
Napansin rin ni Armando na tuwing humihinto yung kaniyang MetroBus, may binibigkas na mga pangalan ang "driver" ng MetroBus. Lumakad ang Bus, tapos huminto. Malakas na sumigaw 'yung driver, "ROOSEVELT!". Apat na pasahero ang nagtindigan, pumunta sa likod ng Bus at pagkahinto ng Bus ay lumisan. Lumakad na naman yung Bus, tapos huminto ulit. Malakas na namang sumigaw yung "driver", "KENNEDY!". Walong pasahero ang nagtindigan, pumunta sa likod ng Bus at pagkahinto ng Bus ay lumisan. Lumakad na naman yung Bus, tapos huminto ulit. Malakas na namang sumigaw yung "driver", "GRANT!". Isang pasahero ang tumindig, pumunta sa likod ng Bus at pagkahinto ng Bus ay lumisan. Tuloy ang biyahe ng Bus ni Armando na parehong ganoong ganoon ang nagaganap.
Wika ni Armando sa sarili niya, "Napakagaling talaga dito sa Amerika. Hindi lang alam ng driver ng bus kung saan ang mga tao nakatira, alam pati niya ang mga pangalan ng mga pasahero niya!"
Tuloy na naman ang biyahe ng Bus ni Armando at pareho pa ring ganoon ang nagaganap.
Pagkaraan ng isang horas, napansin ni Armando, na wala ng ibang pasahero sa Bus kundi ang sarili niya. Napansin rin niya na palapit na ang kaniyang "bus stop" ngunit mabilis pa ang takbo ng bus niya at hindi pa natatawag ang pangalan niya.
Nagmadaling lumapit si Armando sa "bus driver". Lumingon yung "bus driver" nung katabi na niya si Armando. Biglang sumigaw yung "bus driver", "Please step behind the white line! Whaddya want?"
Sagot ni Armando, "Sir, SANTOS, sir!"
Bagong salta sa Manhattan sa New York si Bertulfo at ang Misis niya kaya nakitira muna sila sa ikalawang palapag ng bahay ng isang kamaganak na kasalukuyang nagbabakasyon sa Pilipinas.
Ilang araw nang naghahanap ng trabaho si Bertulfo ngunit talagang mahirap makakita ng trabaho nung kapanahunang iyon. Pagkaraan ng ilang araw, napansin ni Bertulfo at ng Misis niya na naubos na ang kanilang baong pera.
Kinaumagahan, pagkagising ni Bertulfo at Misis niya, alam nila na wala silang agahan. Ibinulong ni Bertulfo sa Misis niya, "Wala na tayong agahan. Magtalik na lang tayo upang makalimutan natin ang ating kagutuman. Yun na lang ang ating agahan!" At nagtalik ang magasawang si Bertulfo at and kaniyang Misis.
Umalis na si Bertulfo upang maghanap muli ng trabaho.
Katanghalian, bumalik sa bahay si Bertulfo. Wika niya sa Misis niya, "Wala pa rin akong trabaho kaya wala pa rin tayong pera. Mabuti pa, magtalik na lang muli tayo para makalimutan natin ang ating kagutuman. Yun na lang ang ating pananghalian!" At nagtalik muli ang magasawang si Bertulfo at ang kaniyang Misis.
Umalis muli si Bertulfo upang mahanap muli ng trabaho.
Kinagabihan, bumalik sa bahay si Bertulfo. Nakita ni Bertulfo na umakyat ang Misis niya sa tuktok ng hagdanan. Pagkatapos, ay sumakay sa gabay ng hagdanan at nagpadausos pababa ang Misis niya. Muling umakyat sa tuktok ng hagdanan ang Misis niya at muling sumakay sa gabay ng hagdanan at muling nagpadausos pababa ang Misis niya. Makailang paulit-ulit na ginawa ito ng Misis ni Bertulfo. Hindi ni Bertulfo maintindihan ang ginagawa ng Misis niya kaya napilitang siyang magtanong sa kaniyang Misis, "Ano nga bang talaga ang ginagawa mo?"
Sagot ng Misis ni Bertulfo, "Alam kong uuwi kang walang trabaho't wala pa ring pera, kaya ini-init ko na itong ating hapunan..."
An American flags down a cab at the arrival area of NAIA (is that it's name still?) and asks to be brought to "Baltamesa Boulevard". The cab driver looks at him momentarily and says, "Sir, yes sir!"
So the cab driver reaches Sta Mesa Boulevard and asks his American passenger where he wishes to stop to which question, the American replies: "This is not the place... Keep on driving..."
So the Filipino cabbie continues driving again and ends up at the Luneta when suddenly the American shouts at the sight of a sign... "We're here! We're here! There it is! Look at that sign!" And sure enough, there was the sign... "BAWAL TUMAE SA BOULEVARD."
An American who had spent a good 16 months in some provincial area in the Philippines started to miss good ol' American food. "Oh boooooy..." he said to himself, "what I wouldn't give for some food from the good ol' USA... USA... USA..."
Upon arriving in Manila, he quickly rushed to the coffee shop of a one-star hotel where the items on the menu were all in the vernacular. So after a quick glance at the menu, there was absolutely no question what menu item he would order: TAPANG USA